10 Bagay na Nakakatakot sa Isang Relasyon

21

Aanhin pa ang multo kung mas nakakatakot naman ang magmahal?

Narito ang 10 bagay na nakakatakot kapag pumasok ka sa isang relasyon:

1. Umasa, sa panahon ngayon marami ang nabibiktima ng mga paasang tao. Ito yung akala mo kayo pero wala naman pala talaga, hopia ka lang na mayroong rin siyang feelings para sayo. Ito yung akala mo mutial ang feelings niyo pero one sided love pala ang peg, in short, pinaasa ka na totoong may relasyon kayo.

2. Maubusan ng pera, dahil sa patuloy na pagtaas ng bilihin, sa isang relasyon hindi lang pwedeng puro love dapat may cash ka rin. Nakakakilabot kung iisipin na ang 500 mo ay kinse na lang sa isang kisap mo. .

3. Ano ang magandang costume ngayong undas? eh di commitment! Magsuot ka non tutal takot naman sila don.

4. Mabalewala, nakakatakot kapag nagsisimula na siyang balewalain ka, tipong hindi ka na niya tinatanong kung kumaen ka na, nasaan ka, hindi na tulad dati na may long sweet message siya tuwing umaga at gabi. Wala na siyang oras sayo at unti-unti mong nararamdaman na nanlalamig na siya sayo.

5. Mawalan ng pagmamahal sa sarili, Ito yung madalas mangyari kapag tumatagal na yung relasyon niyo, bigla bigla mo na lang mararamdaman na parang nauubos ka na, hindi mo napapansin na sobra sobra yung binibigay mo sa kanya, oras at atensyon, pagmamahal o kahit pa materyal na bagay hindi mo namamalayan na wala ng natitira para sayo, na nakakalimutan mo ng mahalin ang sarili mo.

6. Di matapos-tapos na problema na madalas humahantong na sa sakitan, batuhan ng masasakit na salita at pagkawala ng respeto sa isa’t- isa na sa halip na nasosolusyunan ang problema ay lalong lumalala pa.

7. Mawalan ng tiwala, Ano pa bang mas nakakakaba kapag nagsimula ka ng maghinala at mawalan ng tiwala sa partner mo?

8. Maiwan, Masakit ang maiwan, sa ere, sa mga lakad, sa relasyon. Wala namang naiwanan na sumaya kumpara sa mga nang-iwan , ang mga naiwanan ay walang ibang choice kundi tanggapin na naiwan na sila at kahit ano pa man ang dahilan nang pang-iiwan sa kanila wala silang magagawa kundi hayaan yung tao na lumayo sa kanila lalo na kung doon sila sasaya.

9. Ipagpalit, masakit ang maiwan pero mas masakit kapag iniwan ka dahil mayroon ng ipapalit. Hindi lang balahibo ang tataas sayo, pati kilay at dugo mo.

10. Pero kung nakakatakot ang ipagpalit, wala namang katumbas ang sakit kapag namatay ang karelasyon mo. Kung ipinagpalit ka, may laban ka pa para mabawi siya, pero kapag kinuha na siya ng nasa itaas wala na yatang mas nakakatakot pa rito.


Article written by Camille Joy Regalado

Facebook Comments