10 BAGONG KASO NG COVID-19, MULING NAITALA SA ISABELA

Nakapagtala pa rin ang lalawigan ng Isabela ng sampung (10) panibagong kaso ng COVID-19.

Sa pinakahuling ulat ng Isabela Provincial Information Office, ang sampung karagdagang kaso ay naitala sa anim na bayan na kinabibilangan ng Burgos na may tatlong (3) bagong positibong kaso; tig-dalawa (2) sa bayan ng Ramon at San Mateo; tig-isa (1) sa mga bayan ng San Agustin, Sta Maria at Tumauini.

Sa kasalukuyan, mayroong animnapu (60) na covid-19 active cases ang buong Lalawigan ng Isabela na kung saan pinakamaraming kaso ang Siyudad ng Santiago na mayroong 29 total active cases.

Nananatili naman na zero case o walang binabantayang kaso ng Covid ang mga bayan ng Aurora, Benito Soliven, Cabatuan, Cordon, Delfin Albano, Dinapigue, Divilacan, Gamu, Luna, Maconacon, Mallig, Naguilian, Palanan, Quirino, Reina Mercedes, San Guillermo, San Manuel, San Mariano, Sto Tomas at ang Lungsod ng Cauayan.

Sa kabuuang bilang ay umabot na sa 72,209 ang total cumulative cases ng COVID-19 sa Isabela.

Facebook Comments