10 BARANGAY SA ANGADANAN, APEKTADO NG ASF

CAUAYAN CITY- Umakyat na sa sampung (10) barangay ang bilang ng tinamaan ng African Swine Fever sa bayan ng Angadanan, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Municipal Agriculturist Glenn Baquirin, ang mga barangay na tinamaan ay kinabibilangan ng Victory, Buenavista, La Suerte, Lourdes, Bunnay, Ingud Sur, Fugaru, Minanga Proper, Kalusutan, at Pissay.

Aniya, pumalo na sa isang daan at tatlumpu’t-isang (131) baboy ang tinamaan ng sakit na ito kung saan apatnapu’t-anim na hog raisers ang apektado.


Dagdag pa niya, bahagyang nahihirapan ang kanilang pamunuan na ma-control ang pagdami nito ngunit sinisiguro nilang sa susunod na Linggo ay kanila na itong ma-control dahil base sa inspeksyon na isinagawa nila sa ibang barangay ay mangilan-ngilan na lamang ang nagkakasakit na baboy.

Kaugnay nito, pinaigting pa rin ang pagbabantay at check point sa lugar kung saan ipinagbabawal ang pagpasok ng mga meat products na galing sa baboy.

Facebook Comments