Lal-lo, Cagayan – Idineklara na ang sampong barangay sa bayan ng Lal-lo bilang drug free kaugnay sa kampanyang OplanTokhang.
Ayon sa naging pahayag ni Police Senior Inspector Jahondry Casauay, Deputy COP ng PNP Lal-lo, ang sampong barangay ay kinabibilangan ng Abagao, binag, Cagoran, Cambong, Dagupan, Dalaya, Naguilian, Rosario, Sta. Teresa at San Antonio.
Ipinahayag pa ni PSI Casauay sa RMN Cauayan na ang basehan umano sa pagiging drug free ng sampong barangay ay walang drug record o drug responders ang mga ito subalit hinihintay pa umano ng PNP Lal-lo ang opisyal na pahayag ng PDEA kaugnay dito.
Samantala may kabuuang 428 na tokhang responders ang Lal-lo at nasa 285 ang responders na sumasailalim na sa assessment, screening at spiritual enhancement.
Ang mahigit isang daan umano na tokhang responders ay hindi na mahagilap sa bayan ng Lal-lo o sila ay maaaring nasa ibang lugar na, dagdag pa ni Inspector Casauay.