Monday, October 26, 2026

KAALAMAN SA SWINE BIOSECURITY, ITINURO SA MGA ARB SA SAN CARLOS CITY

Dumalo ang 30 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) mula sa isang samahan ng mga magsasaka at irrigators sa Barangay Guelew, San Carlos City, sa isang Pre-Registration Seminar na layong ihanda ang kanilang organisasyon sa pagiging isang rehistradong kooperatiba.

Sa seminar, tinalakay ang kahalagahan, layunin at mga kinakailangang proseso sa pagtatatag ng kooperatiba upang mapalakas ang organisasyon at mapalawak ang mga oportunidad sa kabuhayan ng mga miyembro.

Kasabay nito, sumailalim din ang mga kalahok sa pagsasanay sa health at biosecurity management sa swine production. Tinalakay dito ang wastong pamamahala sa babuyan upang mapanatiling malusog ang mga alagang baboy at maiwasan ang pagpasok at pagkalat ng mga sakit sa sakahan.

Isinagawa ang mga aktibidad bilang bahagi ng mga programang naglalayong mapahusay ang kakayahan at kabuhayan ng mga benepisyaryo ng agrarian reform, kabilang ang mga suportang ibinibigay sa mga magsasakang naapektuhan ng mga kalamidad.

Sa kabuuang bilang ng mga lumahok, karamihan ay kababaihan—patunay ng aktibong partisipasyon ng mga babae sa mga inisyatiba para sa agrarian reform at pagpapaunlad ng kabuhayan sa komunidad.
| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments