10 barangay sa Quezon City, wala nang naitalang aktibong kaso ng COVID-19

Ibinida ngayon ng Quezon City government na may 10 barangay sa anim na distrito sa Quezon City ang hindi na nakapagtala ng aktibong kaso ng COVID-19.

Ayon sa Local Government Unit (LGU), ito ay ang Barangay Nayong Kanluran, Talayan, Blue Ridge A at Blue Ridge B, Escopa IV, Mangga, St. Ignatius, Tagumpay, Villa Maria Clara at Barangay Unang Sigaw.

Sa ulat ng Quezon City LGU, karamihan ng mga barangay sa lungsod ay nakapagtala na lamang ng single digit na bilang ng aktibong kaso ng COVID at pinakamataas na ang 89 cases sa Barangay Batasan Hills at 77 sa Barangay Pasong Tamo.


Sa kabuuan, nasa 1,618 na lang ang COVID active cases sa Quezon City mula sa 177,917 na nagpositibo sa virus.

Nasa 98.22% o katumbas ng 174,757 na COVID patients ang gumaling na sa nakakamatay na sakit.

Facebook Comments