Sa nakuhang impormasyon mula sa Cagayan Provincial Information Office, may 11 na barangay ang sumailalim sa deliberation ng ng mga miyembro ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug-Clearing 2 (ROCBDC2) nitong nakaraang lingo.
Base sa datos, ang mga lugar na drug cleared na ay Barangay Capatan, Linao East, at Atulayan Sur sa Tuguegarao City; Barangay Liwan Norte at Maddarulug Norte sa Enrile dito sa probinsya ng Cagayan; Barangay Sampaloc sa bayan ng Cabatuan; Barangay Silauan Norte, Silauan Sur, at Taggapa sa Echague; at Barangay Sinamar Norte, San Mateo sa probinsya naman ng Isabela.
Samantala, ang Barangay Carig Norte sa Tuguegarao City naman ay provisionally-cleared na ngunit kinakailangan pang mabigyan ng sertipikasyon upang maideklarang totally cleared na ang lugar sa iligal na droga.
Mayroon pang 109 na barangay ang hindi pa naidedeklarang drug-cleared sa Rehiyon 2.