10 Bayan sa Cagayan, COVID-19 Free

Cauayan City, Isabela- Patuloy na nadaragdagan ang mga bayan na COVID-19 free sa lalawigan ng Cagayan.

Kabilang na rito ang mga bayan ng Calayan, Camalaniugan, Enrile, Iguig, Pamplona, Peñablanca, Piat, Sanchez Mira, Santa Teresita at Tuao.

Habang ang ibang mga bayan sa probinsya ay mababa na lamang ang naitalang tinamaan ng virus.


Kahapon, December 12, 2021 ay nakapagtala lamang ng isang kaso ng Covid-19 ang lalawigan mula sa bayan ng Aparri batay sa pinakahuling datos na inilabas ng PESU.

Kaugnay nito, pumalo naman sa apat ang gumaling mula sa virus dahilan para bumaba pa sa 64 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa buong Cagayan.

Wala namang nadagdag sa bilang ng mga namatay sa COVID-19 matapos ang tatlong araw na magkakasunod.



Facebook Comments