Pulis, arestado matapos makabangga at makapatay ng dalawang tao sa Tagbiliran City sa Bohol

266

Huli ang isang pulis makaraang makabangga at makapatay ng dalawang tao sa Bohol.

Batay sa ulat mula sa Bohol Police Provincial Office, nasangkot sa reckless driving kagabi si Patrolman Ruben Ayuban sa CPG North Avenue, Tagbilaran City, Bohol.

Sa inisyal na imbestigasyon ng traffic section, walang habas na minamaneho ng suspek ang kaniyang sasakyan na Hyundai (Hundae) EON na may plate number na AAZ 7153 nang mabangga ang mga biktimang sina Lisa Jimenez at Aileen Apatan.


Isinugod pa sa ospital ang dalawa ngunit idineklara nang dead on arrival.

Sa kasamaang palad, muling nakabangga ang suspek ng isa pang motorsiklo kung saan nakilala ang mga biktima na sina Ella Jean Ongyot Gamban at Edwin Lopena Alcora.

Pinaharurot ulit ng suspek ang kaniyang sasakyan hanggang sa mabangga naman nito ang isa pang tricycle sa CPG North Avenue malapit sa Unitop General Merchandise na minamaneho ni Aristedez Taghap.



Ang mga biktima ay pawang dinala sa Governor Celestino Gallares Memorial Hospital matapos masugatan.

Ayon kay Lt. Col. Mary Crystal Peralta, Chief of Police ng Tagbilaran City Police Station, inihahanda na nila ngayon ang mga kasong isasampa laban sa suspek para sa Reckless Imprudence Resulting in Double Homicide, Multiple Physical Injuries at Damage to Properties.


Nagpaabot ng pakikiramay ang Provincial Director ng Bohol PPO na si PCOL. Osmundo Salibo para sa mga biktima at tiniyak na mabibigyan sila ng hustisya.

Facebook Comments