10 BAYAN SA PANGASINAN, NASA DENGUE WATCHLIST

Sampung bayan sa Pangasinan ang nasa dengue watchlist ngayon, ayon sa Provincial Health Office.
Ito’y matapos makapagtala ng 1, 822 na kaso ang probinsiya mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.
Tatlo ang naitalang nasawi sa sakit.

Bumaba ang bilang na ito mula sa 3, 919 na kaso sa kaparehas na taon.
Kabilang sa mga lugar na binabantayan ay ang San Carlos City, Malasiqui, Urdaneta City, Sta. Barbara, Calasiao, Lingayen, Alaminos City, Binmaley, Mapandan at Villasis.
Patuloy ang pagpapaalala ng health authorities na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng 4S upang maiwasan ang sakit na dengue ngayong panahon ng tag-ulan.
Samantala, binuksan naman ang special lanes para sa mga dengue cases sa 14 na provincial government run hospitals. | ifmnews
Facebook Comments