ORGANIZERS SA MALASWANG MOTOR SHOW NASAMPAHAN NA NG KASO SA TAYUG

Nasampahan na ng kaso ang mga organizers at mga lalaking sumayaw ng hubot hubad sa katatapos na motor show na naganap sa municipal gym.
Matatandaan na kumalat sa social media ang isang video na kung saan makikita ang malalaswang pagsayaw ng mga dumalo sa motor show.
Dahil dito matinding kinondena ng lokal na pamahalaan ang nasabing malaswang aktibidad sa bayan ng Tayug.

Samantala, payo ng lokal na pamahalaan na magsilbi sana itong aral na huwag maging mapang-abuso sa indibidwal na karapatan. | ifmnews
Facebook Comments