10 BESES NA MAS MALALA | Sewerage system sa Metro Manila, mas malala kumara sa Boracay

Manila, Philippines – Sampung beses na mas malala ang sewerage system sa
Metro Manila kumpara sa isla ng Boracay.

Ayon kay Atty. Patrick Ty, Chief Regulator ng Metro Manila Waterworks And
Sewerage System o MWSS, 14 na porsyento lamang ng kinakailangang sewerage
treatment plants ang gumagana para sa 15 milyong residente ng Metro Manila.

Aniya, dumidiretso na sa Pasig River o sa Manila Bay ang lahat ng dumi mula
sa mga tahanan dahil halos wala namang planta na maglilinis nito.


Problema rin aniya ang solid wastes tulad ng diapers, sapatos at iba pang
mga basura na itinatapon sa Manila Bay at Pasig River.

Tiniyak naman ni Ty na nakikipag-usap na sila sa Maynila at Manila Water
para sa tuloy-tuloy na paglalagay ng sewerage system sa Metro Manila na
maglilinis sa maduming tubig bago padaluyin at itapon sa Pasig River at
Manila Bay.

Sa pagtaya ng MWSS, aabot ng 20 taon bago makumpleto ang 100 porsyentong
kailangang sewerage system ng Metro Manila na gagastusan ng halos 200
bilyong piso.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments