SEMANA SANTA | Number Coding Scheme sa lahat ng pampasaherong bus, isususpinde sa March 28-April 2

Manila, Philippines – Suspendido ang Number Coding Scheme para sa lahat ng
mga pampasaherong bus sa March 28 (Miyerkules Santo) at April 2 (Lunes).

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), epektibo ang
naturang suspensyon para sa mga city at provincial buses, bilang
obserbasyon sa Semana Santa.

Layunin ng suspensyon ng number coding ang makapag-supply ng karagdagang
mga bus para sa lahat ng mga bibyahe papuntang probinsya at pabalik ng
Metro Manila.


Inaasahan namang magkakaroon ng 8 percent passenger increase ang magtutungo
sa Metro Manila ngayong Semana Santa.

<#m_3867084078069334095_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments