10 Bricks ng Pinatuyong Dahon ng Marijuana, Kinumpiska sa 2 Suspek

15

Cauayan City,Isabela- Aabot sa 10 bricks na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana ang kinumpiska ng mga awtoridad sa dalawang suspek matapos ang ikinasang buy-bust operation sa Sitio Bakras, Brgy. Bulanao Centro, Tabuk, Kalinga.

Magkasanib pwersa ang mga tauhan ng PDEA Cagayan PO, PDEA Kalinga PO, PIU/PDEU CPPO, PDEG SOU2, Tabuk CPS, PIU/PDEU Kalinga, RPDEU, RSOG at RID PROCOR na nagsagawa ng operasyon kontra iligal na droga.


Batay sa ulat ng mga awtoridad, kinilala ang mga suspek na sina Cindy Addawi 40-anyos, walang trabaho, at residente ng Sitio Ileb, Brgy. Nambaran, Tabuk, Kalinga at Saldy Wasigan, 28-anyos, walang trabaho, binata at residente naman ng Brgy. Agbannawag, Tabuk, Kalinga.

Positibo umanong nabentahan ng dalawang suspek ng droga ang nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P53,000 buy-bust money habang nakuha sa kanilang pag-iingat nito ang P2,000, cellphone at motorsiklo na ginamit sa transaksyon.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002.
tags; PDEA, Kalinga PPO, PROCOR , Cagayan PPO, Luzon

Facebook Comments