PNP Chief Guillermo Eleazar, pinaghahanda na ang NCRPO sa implementasyon ng ECQ sa Metro Manila

85

Pinaghahanda na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa muling pagsasailalim ng Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Eleazar, nagbilin na siya sa regional director, NCRPO at kay Police Major General Vicente Danao Jr., upang paghandaan ang paghihigpit ng restriksiyon pati na rin ang pagpapakalat ng mga PNP personnel kabilang na rin ang koordinasyon ng Local Government Units (LGUs).


Samantala, nagpaalala naman si Eleazar na hindi lang responsibilidad ng mga kawani ng gobyerno ang paglaban sa COVID-19 kundi obligasyon din ng bawat mamamayan.

Isasailalim ang Metro Manila sa ECQ mula August 6 hanggang August 20 dahil sa pagkalat ng COVID-19 Delta variant.

Facebook Comments