Nagsimula ng umarangkada ang 10 bus na mula Sa Departement of Transportation (DOTr) na magbibigay ng lulibreng sakay para sa mga manggagawa sa pangkalusugan.
Ayon kay DOTr Arthur Tugade, may dalawang pick-up points it ay ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at BFCT East Metro Transport Terminal sa Marikina City.
Ang unang ruta ay mula PITX Papuntang Quezon City General Hospital via Makati at Pasig
Sakop nito ang Makati Medical Center, St. Lukes Medical Center – BGC, Rizal Medical Center, The Medical City – Ortigas, East Avenue Medical Center, Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines at Quezon City General Hospital
Ang ikalawang ruta naman ay Mula PITX papuntang San Lazaro, Chinese General Hospital via Manila at Taft.
Kasama dito ang:
Pasay City General Hospital
Adventist Medical Center Manila
Philippine General Hospital
Jose Reyes Memorial Medical Center
Manila Doctors Hospital
University of Sto. Tomas Hospital
San Lazaro Hospital
Jose R. Reyes Memorial Medical Center
Chinese General Hospital and Medical Center
Ang route 3 naman ay mula BFCT papuntang San Lazaro Hospital via East Ave at E. Rodriguez
Dadaan ito sa:
Quirino Memorial Medical Center
East Avenue Medical Center
Philippine Heart Center
Lung Center of the Philippines
Providence Hospital
Capitol Medical Center
St. Lukes Medical Center – East Ave.
University of Sto. Tomas Hospital
San Lazaro Hospital
Ayon kay Tugade, ipatutupad naman ang mga protocol mula sa Department of Health tulad ng social distancing, body temperature checks, at regular disinfecting ng mga bus.