10 Coast Guard Personnel, sinuspinde dahil sa pangingikil

Sinuspinde ng Philippine Coast Guard (PCG) ang sampung tauhan nito sa isa nilang regional training center dahil sa mga sumbong ng katiwalian at pagsingil ng hindi awtorisadong fees sa mga bagong recruit.

Ayon kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, ang ibang tauhan naman ng hindi binanggit na regional training center ay inilipat muna sa ibang units.

Matatandaang inireklamo ng mga bagong recruit ang pagsingil sa kanila ng mga overpriced na gamit at equipment sa kahit pa may pondo ang gobyerno para dito.


Ilan umano sa kanila ay nabaon na sa utang na aabot sa P150,000.

Maging ang kanilang ATM cards ay pinipigil ng ilang opisyal para tiyaking awtomatikong makaltas ang binebenta sa kanilang mga kagamitan.

Nilinaw ng PCG na libre ang pagsasanay ng mga bagong recruit habang may nakalaan na P43,000 bawat isang bagong recruit para sa mga kakailanganin nila sa pagsasanay.

Facebook Comments