Rollback sa presyo ng langis, posibleng magpatuloy sa susunod na linggo

Posibleng magkaroon muli ng rollback sa presyo ng langis sa susunod na linggo.

Ito ang inanunsyo ni Director Rino Abad ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy (DOE).

Ayon kay Abad, hindi naman kasi apektado ng bakbakan ng Israel at Hamas terrorist group ang supply ng langis sa Pilipinas.


Hindi aniya kasi supplier ang Israel ng kahit anong petroleum product sa Pilipinas.

Nilinaw rin ni Abad na sa Saudi Arabia at sa Qatar karaniwang kumukuha ng krudo ang bansa at hindi sa Israel.

Facebook Comments