10 coastal areas sa bansa, positibo sa red tide toxin – BFAR

Nananatiling positibo sa nakalalasong red tide ang 10 coastal waters sa bansa

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang mga apektadong lugar ay ang mga sumusunod:

1. Puerto Princesa Bay sa Palawan
2. Dauis at Tagbilaran City sa Bohol
3. Tambobo Bay sa Siaton, Negros Oriental
4. coastal waters sa Daram Island, at Zumarraga, Cambatutay, at Villareal Bays sa Western Samar
5. coastal waters sa Calubian, at Leyte, Carigara, at Ormoc Bays, at Cancabato Bay sa Tacloban City, Leyte
6. coastal waters sa Biliran Islands
7. Balite Bay sa Mati City, Davao Oriental
8. Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte
9. Lianga at Bislig Bays at coastal waters ng Hinatuan sa Surigao del Sur
10. Irong-irong, Maqueda at San Pedro Bays sa Western Samar


Ang lahat ng shellfish na mahahango sa mga nabanggit na baybayin ay positibo sa paralytic shellfish poison at hindi ligtas kainin.

Pero ang mga isda, pusit, hipon, at alimangong malalambat ay maaaring kainin basta nahugasan ng maayos at tinanggalan ng internal organs bago lutuin.

Facebook Comments