10 Common Bad Habits na Nakakataba

IMAGE: HOWTOSTOPBINGEATINGHELP.COM

Alam niyo bang marami ang pursigido sa pagpapapayat, ginagawa ang mga dapat gawin gaya ng tamang diet, exercise at pagpapapawis. Ngunit bakit kahit malaki naman ang effort na ibinibigay para pumayat ay parang wala pa ring nangyayari. Naiiwan pa rin sa katawan ang taba na hindi mawala-wala. Narito ang mga ilang Bad habits nakakataba.

 

1. Pagkakaroon ng maling diet

Ang pagda-diet ay hindi nakabase sa dami ng pagkain kundi sa uri ng pagkaing kinakain. Masasabi lamang na tama ang pagda-diet kung ang pinipiling kainin ay masustansya dahil nakabase sa “healthy food choices” ang tamang diet.


 

2. Pwersadong pagbabawas ng timbang

Ang pagpapapayat o pagpapataba ay hindi magiging matagumpay kung ang pagsasagawa nito ay pwersahan at paspasan.  

 

3. Nasosobrahan sa workout

Tumataas ang appetite kapag sobrang napapagod kaya mas ganado sa pagkain at mas malapit sa pagmemeryenda at overeating na kailangan ng mga nagpapataba ngunit mali rin dahil sobrang taba ang tutubo sa katawan at hindi balanseng fats.

 

4. Sobrang pagkain

Lubhang nakasasama sa katawan ang labis kaya naman delikado ito para sa mga nagpapataba dahil baka sakit ang dumapo sa iyo at hindi ang pagpapapayat na nais mo.

 

5. Masyadong Stress

Isang napakahalagang bagay na dapat isaalang-alang kung nais maging matagumpay sa pagbabawas ng timbang ay ang pagkakaroon ng panatag na   isipan. Laging tandaan na importanteng mapanatili rin ang malusog na isip at damdamin kasabay ng pagpapaunlad ng pisikal na kalusugan.

 

6. Sobrang Paginom ng Alak

Ang sobrang pag inom ng alak ay maaaring mapataas ang iyong panganib para makakuha ng timbang.

 

7. Pagtulog pagkatapos kumain

Ang resulta ng pagtulog kaagad matapos kumain ay nag reresulta ng sobrang pagtaba.

 

8. Paginom o pagkain ng mga matatamis

Hindi na bago sa kaalaman ng marami na ang pagkain ng matamis ay nakadaragdag ng timbang ng katawan. Ang sobrang asukal kasi ay nagiging taba at naiimbak, hindi lamang sa atay, kundi sa iba’t ibang bahagi rin ng katawan. At kapag ang tabang ito ay hindi nagamit ng katawan, maaaring lumobo ang sukat at magkaroon ng sobrang timbang.

 

9. Pagkain sa mga pagkaing maraming Carbohydrates at Fats

Ang kadalasang pagkain ng mga pagkaing maraming Carbohydrates at fats ay nag reresulta ng biglaang paglobo ng katawan.

 

10. Huwag manood ng TV habang kumakain

Pinatatagal lang ng gawing ito ang iyong pagkain. Ang ibig sabihin, mas mapaparami ang kain kung nanonood ng TV habang kumakain. Mawawala ang focus sa pagkain kapag nanonood ng TV. Dahil dito, hindi mapapansing mas mapaparami ng kuha sa plato.


Article written by Angela Dane C. Salipot

 

Facebook Comments