10% dagdag na volume ng mga sasakyan sa NLEX at SCTEX, asahan na!

28

Inaasahan na ng pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) at Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) ang pagdami ng mga sasakyang pauwi sa mga probinsya ngayong Semana Santa.

Sa interview ng RMN Manila kay NLEX-SCTEX Traffic Senior Manager Robin Ignacio – 10% ang inaasahang dagdag na volume ng sasakyang dadaan sa kanilang expressway sa kabuoan ng Holy Week.


Itinigil din aniya ang lahat ng roadworks at nakabukas ang lahat ng lanes.

Nagdagdag na rin ng toll booths upang mapabilis ang takbo ng pila.

Umaarangkada na rin ang motorist assistance program para alalayan ang mga sasakyang posibleng magka-aberya.

Facebook Comments

From Advertisers