10 dating Miyembro ng NPA at 48 MSMEs, Tumanggap Pangkabuhayan sa DTI Quirino

Cauayan City, Isabela- Nakatanggap ng P300,000 halaga ng pangkabuhayan mula sa Department of Trade and Industry (DTI) Quirino Provincial Office ang ilang indibiwal sa lalawigan ng Quirino.

Kinabibilangan ito ng sampung (10) dating mga kasapi ng New People’s Army at 48 micro, small and medium enterprises (MSMEs) mula sa mga bayan ng Aglipay, Cabarroguis, Nagtipunan, Diffun, Maddela and Saguday.

Ito ay makaraang makumpleto ang ilang serye ng entrepreneurial development training sa ilalim ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) Program.


Ang mga iginawad na kit ay binubuo ng mga item na naaayon sa negosyo gaya ng furniture making, food processing, at sari-sari store.

Facebook Comments