10 iba’t-ibang klase ng armas isinuko sa Sta. Cruz Police Station sa isinagawang Oplan Katok sa Manila

Isinuko ng isang negosyanteng lalaki ang 10 iba’t-ibang klase ng baril matapos na magsagawa ng Oplan Katok sa Quiapo Manila.

Kinilala ang sumuko ng mga baril na si Ramil Yulo, No. 685 Templaza St., Evangelista, Quiapo, Manila.

Ayon kay Police Station-3 Manila Police District Police Lieutenant Colonel Reynaldo Magdaluyo, nagsagawa ng Oplan Katok na nagresulta ng pagsuko ng 10 ng iba’t-ibang firearms na pagmamay-ari ni Mr. Ramil Yulo habang pino-proseso pa ang lisensiya ng baril ng naturang negosyante.


Inaalam ngayon ng mga otoridad kung mayroong kaukulang lisensya ang nakumpiskang armas matapos na isuko ang naturang mga baril.

Facebook Comments