Tatlong hinihinalaang drug pusher arestado sa Quezon City

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Quezon City Police District Drug Enforcement Unit matapos na magsagawa ng buy bust operation sa SM North Misamis st. cor EDSA Barangay, Sto. Cristo Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Kair Pagul, 30 anyos at residente sa #1521 Milagros Brgy. Sta Cruz Manila; Jalil Mangondacan, 25 anyos at residente ng #124 San Miguel St., Barangay Payatas, Quezon City; at Mariam Mangindacan, 19 anyos ns saleslady at residente ng Lot 4 San Vicente Barangay Camarin, Caloocan City.

Naaresto ang mga suspek matapos magpanggap na bibili ng shabu ang isang pulis at nang iaabot na ang mark money na 500 pesos agad na inaresto ang mga suspek.


Narekober sa mga suspek ang plastic sachet na may lamang pinghihinalaang shabu, Php 1,500.00 marked money, cellular phone at Montero sport model 2017 na may plakang no. NCV 6257.

Paglabag sa Republic Act 9165 o may kinalaman sa ilegal na droga ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments