10 iligal na gumagawa at nagbebenta ng paputok sa Bulacan, sinampahan ng kaso ng PNP-FEO

Umaabot na sa 10 mga gumagawa, nag-aangkat at nagbebenta ng paputok sa Bocaue, Bulacan ang nahuli at nasampahan ng kaso ng Philppine National Police Firearms and Explosives Office (PNP-FEO).

Ayon kay FEO Chief Police Col. Paul Kenneth Lucas, ito ay bahagi nang nagpapatuloy na pinaigting na kampanya nila laban sa mga gumagawa, nag-aangkat at nagbebenta ng iligal na paputok.

Partikular na nahaharap ang mga ito sa paglabag sa RA 7183 o Act Regulating the sale, manufacturing and distribution of firecrackers.


Samantala, sinabi pa ni Lucas na mayroon pa silang pina-follow up sa Region 3 at Region 7.

May mga impormasyon kasi silang natanggap na ginagawa ng mga supplier galing sa China ang mga paputok at dito sa bansa binabalot para palabasin na Made in the Philippines ang mga ito.

Giit ni Lucas, mahigpit na ipinagbabawal ang smuggling ng mga paputok at ito ay may karampatang parusa sa ilalim ng batas.

Facebook Comments