2 miyembro ng Boyong Criminal Group, arestado ng mga otoridad

Hawak na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 2 miyembro ng Boyong Criminal Group dahil sa paglabag sa RA 10591, o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act makaraan ang ikinasa nilang buy bust operation sa Brgy. Moonwalk, Paranaque City kamakailan.

Kinilala ni CIDG Director Ronald Lee ang mga suspek na sina Jerry Macabasag Gapultos Jr., at Valdez Altabano kapwa residente ng East Rembo, Makati City.

Nasabat sa operasyon ang isang calibre .45, magazine, mga bala at shabu na may street value na ₱136,000.


Nabatid na kilala ang Boyong criminal group sa gun running, robbery hold-up, at illegal trading of drugs na nag ooperate sa kalakhang Maynila.

Facebook Comments