10 indibidual huli sa Oplan Tokhang sa bayan ng Pikit North Cotabato

Sampung indibidwal ang sumuko sa inilunsad na Oplan Tokhang na pinangunahan ng Bangsamoro Islamic Armed Forces(BIAF) ng Moro Islamic Liberation Front katuwang ang Barangay Peacekeeping Action Team(BPAT) sa bayan ng Pikit sa lalawigan ng North Cotabato kahapon.
Ayon sa pahayag ni Police Chief Inspector Romy Castanarez, hepe ng Pikit Pnp mahigit sa anim na raang armadong miembro ng Biaf forces ang nagsagawa ng Oplan Tokhang sa barangay Tinutulan.
Mismo ang barangay Chairman ng barangay Tinutulan na si Datu Turno Sultan na siya ring ABC President ang nanguna sa operasyon.
Pinakauna ang isinagawang operasyon kahapon at ito ay magpapatuloy sa 41 pang barangay ng bayan bilang bahagi ng pagtugon at pagpapalakas sa kampanya ng gobyerno laban sa illegal na droga.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments