Meralco Bolts, nakuha ang pangalawang panalo kontra Star Hotshots sa semifinals ng PBA Governors’ Cup

Sports – Nakuha ng Meralco Bolts ang kanilang ikalawang panalo kontra Star Hotshots sa best of five semifinals games sa iskor na 98-74.

Dahil dito, isang panalo na lang ang kailangan ng Bolts para makapasok sa finals ng PBA Governors’ Cup.

Bumida sa Bolts si Allen Durham na mayroong 18 points, 25 rebounds at limang assists.


Nag-ambag naman ng 18 points si Ranidel De Ocampo habang mayroong 16 points walong assist si Baser Amer at nakapagtala ng 10 points si Chris Newsome.

Facebook Comments