10 Indonesian passports, narekober sa mga dating kuta ng Maute at Abu Sayaff sa Marawi

Manila, Philippines – Narekober ang sampung pasaporte ng mga indonesian sa pagsuyod ng militar sa mga lugar sa Marawi City na inabandona ng Maute at Abu Sayaff.

Ayon kay Joint Task Force Marawi Spokesperson, Lt/Col. Jo-Ar Herrera – inaalam nila kung ang mga Indonesian ay mga bihag o kasama sa mga teroristang naghahasik ng kaguluhan sa lungsod.

Sinabi ni provincial Crisis Management Committee Spokesman Zia Alonto Adiong – nakita ang mga passport sa mga gamit na iniwan sa mga kabahayan na dating hawak ng Maute at Abu Sayaff.


Una nang kinumpirma ng gobyerno na may mga dayuhang terorista ang kasama sa bakbakan sa Marawi.

Facebook Comments