PCOO Sec. Andanar, hinamon ang high commissioner ng United Nations na pumunta ng Pilipinas para patunayan ang umano’y EJK

Manila, Philippines – Hinamon ni Presidential Communications and Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar si United Nations High Commissioner for Human Rights Zeid Ra’ad Al Hussein na pumunta sa Pilipinas.

Ito’y matapos punahin ni Zeid na malaking banta sa international law ang pagsuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa torture at Extrajudicial Killings.

Samantala, itinuring na ‘Human Rights Calamity’ ng human rights watch ang ginawa ng pangulo sa kanyang unang taong panunungkulan.


Punto ng grupo, lumala ang mga paglabag sa karapatang pantao sa bansa dahil sa kampanya laban sa ilegal na droga at panggigipit sa mga kritiko nito.

Facebook Comments