10 KABAHAYAN AT 6 NA SILID ARALAN SINIRA NG BUHAWI AT MALAKAS NA ULAN SA MAGUINDANAO

Hinagupit ng buhawi ang barangay Butilen at Maitum sa bayan ng Kabuntalan sa Maguindanao. Ayon kay Municipal Administrator Anwar Salik sa panayam ng RMN-Cotabato, isang bahay ang winasak ng buhawi sa barangay Maitum at nabalian ng kamay ang may-ari nito na posibleng dahil sa pagsalag nito sa mga nagliparang gamit sa loob ng kanyang bahay.

Sinabi pa ni Admin Salik, maliban sa tumamang buhawi sa ilang barangay sa Kabuntalan ay mayroon ding mga barangay na sinalanta ng malakas na hangin at sa ngayon nay kino-consolidate pa nila ang kabuuang halaga ng pinsalang idinulot nito.
Sampung mga kabahayan ang sinira ng malakas na hangin at buhawi mula sa naturang mga barangay, isang madrasa kung saan 6 na silid aralan nito ang nasira.Kamakailan ay isinailalim din ang lalawigan ng Maguindanao sa state of calamity

Facebook Comments