IMT, binisita ang sugatang BIA-MILF fighters!

Dinalaw ng International Monitoring Team (IMT) ang mga sugatang miyembro ng Bangsamoro Islmic Armed Forces ng Moro Islamic Liberation Front (BIAF-MILF).
Dumalaw mismo si Maj Gen Datuk Masrani Paiman, IMT Head of Mission– M12 kasama sina MILF-CCCH chairman Butch P. Malang, GPH-CCCH chairman BGen Earl D. Baliao sa MILF-BIAF fighters na naka-confine sa isang ospital dito sa cotabato city.
Ang naturang mga sugatang sundalo ng MILF ay nakipagsagupa sa mga elemento ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF)/ISIS sa Barangay Andavit, Datu Saudi-Ampatuan, Maguindanao kamakailaln.
Ang naturang pagbisita ng IMT ay bahagi ng Confidence Building Measures effort sa pagitan ng stakeholders ng GPH-MILF peace mechanism.
Katuwang ngayong ng 6th Infantry Division ng Philippine Army ang BIAF-MILF sa pagtugis sa BIFF-ISIS inspired sa Maguindanao. (Daisy Mangod Remogat)

Facebook Comments