10 Katao na Ilan ay Walang Trabaho, Hinuli matapos maaktuhan na Nagsusugal!

*Cauayan City, Isabela*- Patuloy na nagpapaalala ang mga otoridad sa publiko na iwasan ang iligal na pagsusugal dahil labag ito sa batas.

Matatandaang dinakip ng mga otoridad ang sampung (10) katao matapos maaktuhan ang mga ito na nagsusugal sa iba’t ibang barangay sa Cauayan City kahapon.

Kinilala ang mga iligal na nagsusugal na sina Richard Bartolome, 29 anyos, binata, walang trabaho, Pedro Bartolome, 34 anyos, binata na kapwa residente ng Brgy. San Fermin habang kinilala din ang iba pa na sina Joy Abad, 39 anyos, may asawa na residente ng Brgy. District 1 at Romulo Pascua, 32 anyos, may asawa at residente naman ng Brgy. Baculod.


Ilan din sa mga inaresto sa iligal na sugal ay sina Jun Cabalida, 37 anyos, binata, helper, Ruby Domingo, 51 anyos, may asawa, Mary Jane Paiz, 24 anyos, dalaga at Reddie Lagasca, Liza Villamor, 51 anyos, walang asawa at Samuel Lucas, 50 anyos, may asawa at kapwa mga residente ng Brgy. District 1 sa nasabing lungsod.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Cauayan, nakatanggap umano sila ng tawag mula sa ilang concerned citizen na may iligal na nagsusugal kung kaya’t agad na bineripika ng mga otoridad ang sumbong at akto ngang nahuli ang mga ito habang nagsasagawa ng iligal na pagsusugal.

Narekober sa mga ito ang ilang baraha na ginamit sa iligal na pagsusugal at ilang halaga ng pera na pantaya.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng kapulisan ang mga suspek na nahaharap sa kasong Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling.

Facebook Comments