10-KATAO SA INDIA, PATAY SA SOBRANG INIT

Matinding init ang naging rason ng pagkasawi ng nasa sampung katao sa bansang India.

Ayon sa ulat ilan sa mga ito ay nasawi sa government hospital sa Odisha’s Rourkela habang tatlo sa election officers, at isang pulis sa Bhojpur district ang namatay nang dahil sa heat stroke.

Ito’y matapos na makapagtala ang nasabing bansa ng 45-46 degrees celcius na init na kung saan ay pumalo pa sa 50°C ang heat index ng ilang lugar dito.


Dagdag pa ang kaawalan ng suplay ng tubig at kuryente na pinaka nagpahirap sa mga residente.

Bagaman may nga health facilities ay hindi pa rin sumasapat ang mga ito kung kaya’t mayroon pa ring naitatalang insidente ng pagkasawi dahil sa matinding init.

Dahil dito, itinuturing na ng India’s National Centre for Disease Control ang heat stroke bilang isa sa “life-threatening” na may mortality rate na 40 to 64%.

Facebook Comments