10 katao, sugatan matapos ang pag-atake ng drone sa Saudi Arabia airport

Aabot sa 10 ang sugatan matapos ang pag-atake sa King Abdullar Airport sa Saudi Arabia nitong Biyernes ng gabi.

Kabilang sa mga nasugatan ang tatlong Bangladesh national at isang Sudanese.

Tinitignang dahilan ng pag-atake ang pangingialam ng Saudi-led coalition sa Yemen noong 2015 sa pamamagitan ng pagsuporta sa pinatalsik na si Yemen President Abdrabbuh Mansur Hadi at pakikipaglaban nito sa Iran Houthi Group.


Nitong Miyerkules, apat na mangaggawa ang unang nasugatan matapos harangin ang drone na target ang Kingdom’s Abha Airport.

Facebook Comments