10 Libreng Pasyalan ngayong December na perfect for Family Bonding

IMAGE FROM: OFFICIAL MUNTINLUPA (TWITTER)
Disyembre na at ilang araw na lang ay paparating na naman ang pinakahihintay na araw ng Pasko. Damhin ang simoy ng hangin at diwa ng kapaskuhan kasama ang buong pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay oras sa bawat isa at pagkakaroon ng isang masayang family bonding!
Maraming mga pasyalan na maaaring puntahan mula sa iba’t ibang lugar at syempre, mas sasaya at mas susulit kung hindi na iisipin ng ating mga magulang ang gastos sa mga mamahaling pasyalan! Kaya naman, narito ang ilan sa mga libreng pasyalan na perfect sa family bonding:
1. Araneta Center Cubao Christmas on Display 

IMAGE FROM: THE ARANETA CENTER (FB)
Punta na sa Araneta Center Cubao at mamangha sa 100-foot-tall giant Christmas tree rito kung saan binubuo ito ng 3,000 LED light bulbs. Bukod dito ay tiyak na mag-eenjoy rin ang buong pamilya ang pagbabalik ng Christmas on Display (COD). May food park din at iba’t ibang amusement rides para maenjoy ng family at maramdaman ang Christmas theme na “Christmas is home.”
2. The National Museum
Kung exhibits at museum ang hanap ng pamilya, isa sa pwedeng pasyalan ang The National Museum na maaaring puntahan ng libre tuwing araw ng Linggo mula 10:00 AM hanggang 5:00 PM. Tiyak na maraming matututuhan ang pamilya tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Bukod rito, instagrammable rin ang museum na maeenjoy ng buong pamilya.
3. Ayala Triangle Disney Themed Park
IMAGE FROM: AYALALAND.COM.PH
Disney themed parks ba ang hanap niyo? Punta na sa Ayala Triangle kung saan ngayong taon ay sinecelebrate ang kanilang 10th Anniversary. Siguradong magical ang holiday ng pamilya dahil sa Disney theme festival of lights at music show na bukas sa publiko!
4. Rizal Park Lights and Music Fountain
IMAGE FROM: YOUTUBE.COM
Perfect ang lugar na ito lalo na sa mga pamilyang maraming chikiting o mga bata dahil tiyak na ma-eenjoy nila ang naggagandahan at makukulay na dancing fountain nang libre! Pwede ring mag-picnic sa hapon, mag-jogging at marami pang ibang aktibidad  na pwedeng gawin habang nag-aantay sa dancing fountain pagsapit ng gabi.
5. White Christmas in Muntinlupa
IMAGE FROM: OFFICIAL MUNTINLUPA (TWITTER)
Gustong maranasan ang feeling ng white christmas? Punta na sa lungsod ng Muntinlupa! Ma-eenjoy ng buong pamilya ang 35-Foot-Tall Christmas tree sa city hall nito at 3,300 white star-shaped christmas lanterns na may 550,000 white LED lights. Matutunghayan ang lights display sa Muntinlupa City Hall araw-araw mula 6:00 PM hanggang 10:00 PM.
6.  Venice Grand Canal Amazing Christmas Parade
IMAGE FROM: PRIMER.COM.PH
Mag ready na sa pinahihintay na bonggang bonggang Christmas Parade sa Venice Grand Canal Mall. Ito ay gaganapin sa darating na Disyembre 8, 2018 sa kalsada ng McKinley Hill. Isang malaking produksyon ang mapapanood na inspired sa infamous Macy’s Thanksgiving Day Parade sa New York City. May mga higanteng floats, balloons, mascots, iba’t ibang mga performances pati na bonggang fireworks display na magugustuhan ng buong pamilya.
7.  Cultural Center of the Philippines Art Gallery
Mahilig sa art and paintings? Punta na sa CCP Art Gallery na bukas sa publiko nang walang bayad mula 8:00 AM hanggang 6:00 PM tuwing Martes hanggang Linggo at isama ang buong pamilya sa isang masayang art gallery bonding.
8. National Library of the Philippines
Kung mahilig naman magbasa ang buong pamilya, bukas na bukas ang National Library of the Philippines kung saan makikita ang malaking bilang ng mga babasahin na tiyak na ma-eenjoy ng mga mahilig sa pagbabasa! Libre lang ang admission dito at tiyak na isa ang lugar na ito kung saan mararamdaman ang peace of reading kasama ang buong pamilya.
9. University of the Philippines Oval and Sunken Garden
Jogging o stroll ba ang hanap niyo? Dalaw na sa UP Oval and Sunken Garden na perfect place para sa isang healthy family bonding tulad ng jogging, strolling, biking, walking o kahit anong exercise. Pwede ring mag picnic ang buong pamilya at ma-enjoy ang sariwang hangin dahil sa maraming puno at  makaiwas sa polusyon sa labas.
10.  Binondo
Historic destination? Punta na sa Binondo kung saan makikita ang pinakamatandang Chinatown sa buong mundo. Pwedeng-pwedeng mamasyal ang buong pamilya at umikot sa lugar at bumili ng iba’t ibang pasalubong at tikman ang Chinese delicacy.

Article written by Mickaella Pellobello

 

Facebook Comments