Cauayan City, Isabela- Sampung (10) lugar sa Isabela ang may mataas na bilang ng Dengue Cases batay sa datos ng Provincial Information Office as of June 20, 2022.
Nanguna sa may maraming kaso nito ang City of Ilagan (164), Cauayan City (100), Gamu (96), San Mateo (95), Tumauini (93), Jones (80), Alicia (72), Roxas (62), San Mariano (52) at San Manuel (41).
Lumabas sa Dengue cases bulletin, buwan ng Mayo 2022 ang pinakamaraming naitalang tinamaan ng sakit na Dengue kung saan, naitala ang 463 kaso.
Sa kabuuan, 1, 436 na ang kaso ng Dengue sa lalawigan mula January hanggang June 2022.
Hinimok naman ng mga kinauukulan ang publiko na ugaliing maglinis ng kapaligiran at iwasan ang mag-imbak ng tubig na maaaring pamugaran ng mga lamok.
Facebook Comments