PRRD, wala pang desisyon kung tatanggapin ang alok na maging legal adviser ni SBG

102

Hindi na ikagugulat pa ni Acting presidential spokesperson & Communications Secretary Martin Andanar kung magiging legal adviser ni Senator Bong Go si outgoing President Rodrigo Duterte.

Ayon kay Andanar, sakali mang tanggapin ito ng Pangulo ay wala naman magiging problema dahil kilalang malapit na magkaibigan ang dalawa at mentor din ng senador si Pangulong Duterte.

Pero sa ngayon, hindi pa masabi ng kalihim kung tinaggap na ito ng Pangulo o hindi.


Matatandaan nitong Linggo, sinabi ni SBG na inalok nya si Pangulong Duterte na maging legal consultant.

Samantala, wala namang alam si Andanar kung mayroon pang ibang offer kay Pang. Duterte para sa alinmang government position.

Una na nitong tinaggihan ang alok na Drug czar ng papasok na administrasyong Marcos.



Makailang ulit nang sinabi ng Pangulo na pagkababa nya sa pwesto sa Hunyo 30 ay uuwi sya sa Davao City para makasama ang kanyang pamilya at mga apo.

Facebook Comments