10-M Pilipino, target na maisalang sa COVID-19 test pagsapit ng 2021

Imposibleng maisalang sa COVID-19 test ang lahat ng mga Pilipino.

Ito ang tugon ni Health Secretary Francisco Duque III makaraang tanungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang gabinete kung may kapasidad ang bansa na ma-test ang lahat ng mamamayan nito.

Paliwanag ng kalihim, walang bansa na nakagagawa nito maski ang pinamayamang bansa gaya ng Amerika.


Sa ngayon, mula sa 370 million population ng US, 9% o 40 million pa lang ang nate-test.

Gayunman, ayon kay Duque, target nilang ma-test ang 10 milyong Pilipino o 10% ng 109 milyong populasyon ng Pilipinas pagsapit ng 2021.

Sa kasalukuyan, nasa 74,000 na ang daily testing capacity ng bansa pero ang average daily testing output nito ay nasa 22,000 hanggang 23,000 pa lamang.

Target din ng Department of Health (DOH) na makapagsagawa ng 32,000 hanggang 40,000 test per day.

As of July 19, mahigit isang milyong indibidwal na sa bansa ang naisalang sa COVID-19 test.

Facebook Comments