Cauayan City, Isabela- Masayang tinanggap ng 10 magsasaka ang tig-P8,000 na tulong ng RMN foundation kasabay ng pagdiriwang ng ika-69 anibersaryo ng Radio Mindanao Network ngayong araw, Agosto 28.
Katuwang ang 98.5 iFM Cauayan sa paghahatid ng serbisyo publiko para sa higit na mga nangangailangan gaya ng 10 benepisyaryo.
Gagamitin ang ng mga magsasaka ang nasabing tulong sa kanilang dagdag pangkabuhayan lalo pa’t humaharap sa krisis ang bansa dahil sa pandemya.
Isa si Mary Jane Mendoza ng Barangay Mabantad, Cauayan City sa mga maswerteng kasama sa mga nabenipisyuhan ng ayuda mula sa RMN.
Labis ang pasasalamat ng grupo ni Mendoza dahil sa ipinaabot na tulong pangkabuhayan para sa kanila.
Samantala, nagpasalamat naman si iFM Cauayan Station Manager Christopher Estolas sa publiko dahil sa walang sawang pagsuporta nila sa mga programa ng iFM at Radio Mindanao Network.
Makakaasa umano na magpapatuloy ang nasimulang paghahatid ng tamang impormasyon at serbisyo publiko sa higit na nangangailangan.