Tatlong lucky winners sa “Bisekletrabaho Year 3: Anibersaryong Handog ng DZXL 558 Radyo Trabaho”, kilalanin!

May nanalo na!

 

Tatlong masusugid na tagapakinig ng RMN DZXL 558 Radyo Trabaho ang nanalo ng bisikleta sa “Bisikletrabaho Year 3: Anibersaryong Handog ng DZXL 558 Radyo Trabaho” promo!

 

Mula sa callers –– wagi ng bisikleta ang 31-anyos na si Cristina Caridad ng Balut, Tondo, Maynila.


 

Ang napanalunang bisikleta, ireregalo raw niya sa kaniyang mister na isang construction worker, na araw-araw nag-uuwian mula sa kaniyang trabaho sa makati city.

 

Para naman sa mga sumali online –– maswerteng nabunot sa draw ang 24-year-old na si Sarah Santiago, taga-Balintawak, Quezon City.

 

Masayang-masaya si Sarah dahil may magagamit na siyang bisikleta sa pagde-deliver ng mga tinda niyang cordon bleu.

 

At ang ating on ground winner –– si Alberto Acosta, 38-year-old, ng Barangay Wawa, Taguig City.

 

Si Alberto ay nagtatrabahong water pipe operator at isa sa mga nabigyan ng raffle coupon sa pag-iikot ng RT team, hawak ang stub number na 0090.

 

 

Ang Bisikletrabaho Year 3 Promo ay regalong handog kasabay ng pagdiriwang ng ikatlong taong anibersaryo ng DZXL 558 Radyo Trabaho at ika-69 na anibersaryo ng Radio Mindanao Network.

 

Congratulations winners!!!

Facebook Comments