10 Medical fronliners ng isang Ospital sa Ilocos Norte, nahawaan ng COVID-19

iFM Laoag – Apektado ang sampung Medical Frontliners sa Mariano Marcos Memorial Hospital sa Batac City, Ilocos Norte sa sakit na COVID-19.

Ayun kay Dr. Maria Lourdes Otayza, ang Punong tagapamahala ng nasabing ospital sa media na mayroong sampung (10) mga medical frontliner na apektado ng COVID-19 virus, at pito mula sa kanila ang na-admit sa ospital; dalawang doktor at limang nurse.

Sinabi pa ni Otayza na nagsusumikap sila upang mabigyan ng buong serbisyo ang mga Ilocano sa lalawigan, at kahit na nahawahan ang kanilang mga manggagawa sa kalusugan, patuloy na nagbibigay ang ospital ng pangangalaga sa kalusugan sa pamamagitan ng kanilang dagdag na puwersa sa pagtatrabaho na magsisilbi bilang ‘buffer solution’.


Ang nasabing ospital ay COVID-19 referral hospital at ang pangunahing sentro ng paggamot para sa mga pasyente na may sakit na viral o nakakahawa. Nitong mga nakaraang linggo, ang ospital ay nasobrahan ng mga karagdagang bilang ng mga kaso na dumarating mula sa iba`t ibang bahagi ng lalawigan.

Humihiling naman sa publiko si Dr. Otayza na magbigyan pa sila ng karagdagang mahahalagang item para sa pagpapalawak ng kanilang COVID-19 ward upang maagapan ang tumataas na bilang ng mga kaso ng nasabing sakit sa kanilang ospital.

Bernard Ver, RMN News

Facebook Comments