10 Menor de Edad, Nasagip sa Isang Bar sa Cauayan City, Isabela!

*Cauayan City, Isabela-* Nasagip ang sampung dalagita sa isang Bar sa ikinasang Oplan Sagip Angel ng mga otoridad bandang 10:45 kagabi sa brgy San Fermin, Isabela.

Inaresto naman ang manager ng bar na si Jemalyn Marie Adolfo, 34 anyos, may asawa at residente ng Fairview, Quezon City at si Shirley Demdam, 32 anyos, may asawa, Floor manager ng bar, residente ng Tondo, Manila at mga pawang nangungupahan sa brgy San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nasagip ang sampung mga menor de edad na nagtratrabaho sa isang bar matapos maglatag ng Oplan Sagip Angel ang Isabela CIDG, PIB Isabela PPO, WCPD IPPO at ng PNP Cauayan City sa naturang bar.


Dinala na sa CIDG-Isabela ang dalawang suspek maging ang sampung dalagita para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9208 o Anti- Trafficking in Persons ang dalawang suspek na sina Jemalyn Marie Adolfo at Shirley Demdam.

Facebook Comments