TITIYAKIN | Chinese Pres. Xi, tiniyak na magiging katuwang ng Pilipinas ang China

Tiniyak ni Chinese President Xi Jinping ang tulong at suporta nito sa Pilipinas.

Ayon kay President Xi, kabilang sa kanilang susuportahan ay kampaniya kontra ilegal na droga ng gobyenro.

Aniya, tutulong rin sila sa pagpapasaayos ng mga kalsada at tulay na nasira noong giyera sa Marawi City gayundin ang pagpapatayo ng mga bagong infrastruktura sa lungsod.


Sabi pa ni Xi, magbibigay rin ang China ng tauhang 50 government scholarship grant sa mga estudyanteng Filipino mula 2019 hanggang 2021.

Bukod rito, magbibigay rin aniya sila ng 10,000 toneladang bigas sa mga nasalanta ng bagyong Ompong.

Facebook Comments