10 milyong mag-aaral mula sa 11 rehiyon sa buong bansa, naapektuhan ng bagyong Odette

44

Umabot na sa sampung milyong mag-aaral sa 11 rehiyon sa buong bansa ang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Odette.

Batay sa inisyal na datos ng Department of Education (DepEd), kabuuang 10,727,585 mag-aaral mula sa 26,566 paaralan ang naapektuhan ng bagyo.

Nasa 23,298 paaralan naman sa siyam na rehiyon sa bansa ang nagsuspinde na ng klase, kung saan 671 paaralan ang kasalukuyang ginagamit bilang evacuation centers.


Nagmula sa Caraga Region ang isang paaralang pinaka-naapektuhan ng bagyo.

Sa ngayon, patuloy ang pag-monitor ng Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) sa mga apektadong paaralan sa bansa, sa pakikipagtulungan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) operation center.

Facebook Comments