Mga residente ng Navotas City, muling binulabog ng ammonia leak

76

Muling binulabog ang mga residente ng Navotas City ng panibagong masangsang na amoy na nanggaling sa ammonia leak.

Sa Facebook post ng Bureau of Fire Protection in Navotas (BFP-Navotas), naganap ito dakong alas-7:45 ng umaga kanina sa Barangay North Bay Boulevard South (NBBS).

Nanggaling ang leak sa isang ice plant na nasa mismong barangay.


Agad naman itong inaksyunan ng BFP-Navotas kaya matagumpay na napigilan ang pagkalat ng mapanganib ng likido patungong tubo ng katabi nitong gusali.

Facebook Comments