Naglaan ngayon ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Alaminos ng aabot sa sampung milyong pisong pondo para naman sa programang farm mechanization na layong mabigyan ng tulong at suporta ang mga magsasaka.
Ayon sa alkalde ng lungsod na bagamat malaki na ang nabanggit na halaga ay kulang pa umano ito sa lawak ng sakahan at dami ng mga magsasaka sa lungsod na maaaring matulungan ng naturang programa.
Ang programa na ito umano ay naglalayong maabot at mabigyan ang buong lungsod at sa bawat barangay.
Ang farm mechanization na ito ay ang pagbibigay ng tulong at suporta para sa mga magsasaka ng lungsod na kung saan pinadali ang kanilang trabaho mula sa pagtatanim hanggang sap ag ani ng kanilang mga high value crops. | ifmnews
Facebook Comments