Naniniwala ang Luntiang Pilipinas Partylist na malaki ang maitutulong ng pagtatanim ng 10 milyong mga punong kahoy sa Pilipinas kung saan umaabot na sa 2 milyong punong kahoy ang naitanim simula noong taong 1998 sa North at Luzon Expressway.
Sa ginanap na Forum sa NPC sinabi ni Luntiang Pilipinas Partylist Michael Ubac na napakahalaga na magtanim ng mga punong kahoy sa mga daan, bukid at gilid ng dagat dahil ang mga puno ang kumukuha ng carbon dioxide at nagbibigay ng oxygen sa ating katawan.
Paliwanag pa ni Ubac sa oras na mabigyan ng upuan sa Kamara ang Luntiang Pilipinas Partylist babalangkas siya ng panukalang batas na mabibigyan ng proteksyon ang kalikasan mula bundok, kapatagan hanggang dagat.
Binigyang diin ni Ubac na umaabot na sa 21 taon ng ginagawa nila ang pagtatanim ng mga punong kahoy upang mapangalagaan ang ating kalikasan mula mapanirang epekto ng Climate Change.