18 Pulis ng Victoria Municipal Police Station irerekomenda ang  promotion

Irerekomenda ni Philippine National Police o PNP Region 8 Regional Director Police Brig Gen Dionardo Carlos na magkaroon ng promosyon ang 18 pulis ng Victoria Municipal Police Station sa Northern Samar na matagumpay na nakasagupa ang nasa 50 miyembro ng NPA nang salakayin ang kanilang police station kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Carlos kabilang sa irerekomenda nya ng promotion ang mismong hepe ng Victoria Municipal Police Station na si Police Lt Eladio Alo.

Kinumpirma naman ni Carlos na sa Lunes bibigyan ni PNP Chief Police Gen Oscar Albayalde ng parangal sina Police Lt Alo at ang dalawang nasugatan sa engkwentro na sina Police Senior Master Seargent Arturo Gordo Jr at Police Master Seargent Arnold Cabacang.


Aniya PNP Directorate for Personnel Record and Management (PNP- DPRM) ang tutukoy kung anong parangal ang ibibigay sa Chief of police at dalawang sugatang pulis.

Facebook Comments