10 miyembro ng Daesh inspired Maute Terror Group, patay matapos magtangkang pumasok sa main battle area sa Marawi City

Marawi City – Patay ang sampung miyembro ng daesh inspired Maute Terror Group matapos magtangkang pumasok sa main battle area sa Marawi City kaninang alas dos y medya ng madaling araw.

Ayon kay Captain Joan Petinglay, ang tagapagsalita ng Joint Task Force Marawi, naharang ng mga sundalo na kasapi sa Task Group Musang ang sampung terporista habang sakay ng dalawang motorized pump boat.

Nagkaroon umano ng palitan ng putok ang Joint Task Group Lawa at ang mga terorista na tumagal ng tatlong oras.


Pasado alas singko kanina habang nagsasagawa ng search oerpation, narekober ang limang bangkay, isang m 16 rifle at isang motorized pump boat.

Hindi naman narekober ng mga sundalo ang lima pang bangkay matapos tangayin ng mga terorista.

Hindi na nakuha ang isang pump boat matapos lumubog sa kasagsagan ng barilan.

Sinabi naman ni Wesntern Mindanao Command Commander Lt. General Carlito Galvez na ang pagkakapatay sa sampung terorista ay bunsod ng maayos na koordinasyon ng militar at ng Local Government Unit.

Sasaklalo sana aniya ang sampung terorista sa mga kasamahang Maute Group sa main battle area pero napigilan ito ng tropa ng militar.

Facebook Comments